G7 Summit, ipininid na may malalim na pagkakaiba

2018-06-10 17:59:07 CRI

Ipininid kahapon, Sabado, ika-9 ng Hunyo 2018, sa Quebec, Canada, ang 2-araw na G7 Summit.

Inilabas sa pulong ang magkakasanib na komunike, kung saan nakalakip ang mga nilalaman hinggil sa inklusibong paglaki ng kabuhayan, pagkakapantay-pantay ng kasarian, kapayapaan't katiwasayan ng daigdig, pagkakataon ng hanapbuhay sa hinaharap, pagbabago ng klima, at iba pa.

Sa prekson pagkaraan ng pulong, sinabi ni Punong Ministro Justin Trudeau ng Canada, na matagumpay ang pulong. Pero aniya, dahil sa matigas na atityud ni Pangulong Donald Trump ng Amerika sa isyu ng kalakalan, marami pa ang dapat gawin ng G7 para alisin ang pagkakaiba sa isyung ito.

Ayon pa rin kay Trudeau, inilabas sa pulong ang isang kasunduan hinggil sa pangangalaga sa kapaligiran at karagatan, pero hindi ito pinirmahan ng Amerika at Hapon, dahil ayaw nilang tupdin ang pangako sa pagbabawas ng paggamit ng plastik.

Samantala, sinabi naman ni Trump sa kanyang tweet, na dahil sa maling pahayag ni Trudeau sa preskon, hindi kinakatigan ng Amerika ang magkakasanib na komunike ng pulong.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino