Kooperasyong Ruso-Sino sa mataas na lebel, may malaking katuturan sa relasyong pandaigdig — Vladimir Putin

2018-06-11 10:56:23

Kaugnay ng natamong bunga ng kanyang biyahe sa Tsina, prospek ng pag-unlad ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), at iba pang isyu, tinukoy Linggo, Hunyo 10, 2018, ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na may napakataas na lebel ang kooperasyong Ruso-Sino, at dapat itong walang humpay na pasulungin. Ito aniya ay hindi lamang nakakabuti sa bilateral na relasyon, kundi, may mahalagang katuturan din para sa modernong relasyong pandaigdig.

Dagdag pa ni Putin, lumagda ang Rusya at Tsina sa "Magkasanib na Pahayag Tungkol sa Pagsasakatuparan ng Magkakasamang Pag-aaral sa Posibilidad ng Kasunduan sa Katuwang na Ekonomiko ng Europa at Asya." Ito aniya ay isang napakahalagang hakbang para maisakatuparan ang pagsasanib ng kabuhayang panrehiyon.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino