Paraang diplomatiko, tanging paraan sa paglutas sa isyung nuklear ng Peninsula ng Korea

2018-06-13 11:32:08 CRI

Sa pahayag hinggil sa pagtatagpo ng mga lider ng Hilagang Korea at Amerika, ipinahayag Hunyo 12, 2018 ni Federica Mogherini, Mataas na Kinatawan ng Unyong Europeo na Namamahala sa mga Suliraning Panlabas at Patakarang Panseguridad, na ang paraang diplomatiko ay ang tanging paraan sa pagsasakatuparan ng pangmatagalang kapayapaan sa Peninsula ng Korea.

Anang pahayag, ipinalalagay ng komunidad ng daigdig at UN Security Council na ang pagsasakatuparan ng denuclearization ay pinal na target sa paglutas sa isyu ng Peninsula ng Korea.

Anito pa, nakahanda ang EU na magsikap, kasama ng International Atomic Energy Agency (IAEA)  para magbigay-tulong sa mas malalim na pag-uusap ng Hilagang Korea at Amerika sa hinaharap, para isakatuparan ang nasabing target.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino