Canada, Mexico, US, punong-abala ng 2026 World Cup

2018-06-14 16:09:04 CRI

Magkakasamang nanalo bilang punong-abala ng 2026 Fédération Internationale de Football Association (FIFA) World Cup ang Kanada, Mehiko at Estados Unidos, sa Ika-68 FIFA Congress na idinaos Miyerkules, Hunyo 13, sa Moscow, Rusya.

Sa 203 miyembro ng FIFA na may karapatang bumoto, 134 sa kanila ang pabor sa magkakasamang bidding ng nasabing tatlong bansa, kumpara sa 65 boto ng pagsang-ayon sa Morocco.

Napag-alamang sa 2026 World Cup, 48 koponan mula sa iba't ibang lugar ng daigdig ang lalahok.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino