Dapat susugan ang hakbang ng sangsyon ng UN sa NoKor — Rusya

2018-06-17 14:53:01 CRI

Ipinahayag sa Moscow Biyernes, Hunyo 15, 2018, ni Maria Zakharova, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Rusya, na nananalig ang kanyang bansa na ang napapanahong pagsusog sa ipinapataw na sangsyon ng United Nations (UN) Security Council laban sa Hilagang Korea, ay nagiging mahalagang hakbang para sa pagpapasulong ng pagiging normal ng situwasyon ng Korean Peninsula.

Sinabi niya na pagkaraan ng pagtatagpo ng mga lider ng Hilagang Korea at Amerika sa Singapore, ang proseso ng paglutas sa isyu ng Korean Peninsula ay pumasok sa landas ng "Road Map" na itinakda ng Rusya at Tsina. Kailangan aniyang yugto-yugtong lutasin ng iba't-ibang panig ang mga kaukulang isyu sa peninsulang ito.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino