Komong palagay hinggil sa paglutas sa isyu ng Rakhine State,narating ng Tsina, Myanmar at Bangladesh

2018-06-30 17:54:17 CRI

Narating ng Tsina, Myanmar at Bangladesh ang apat-na-puntong komong palagay hinggil sa paglutas sa isyu ng Rakhine State ng Myanmar.

Ito ang ipinahayag ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon Biyernes, Hunyo 29.

Ani Lu, kasalukuyang dumadalaw sa Beijing sina U Kyaw Tint Swe, Union Minister for the State Counsellor's Office ng Myanmar at Abul Hassan Mahmood Ali, Ministrong Panlabas ng Bangladesh. Nakipag-usap sa kanila si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina.

Kabilang sa mga narating na komong palagay ng tatlong ministro ay ang mga sumusunod:

Una, kailangang ipagpatuloy ang tatlong yugtong proposal ng pagtigil ng karahasan, pagpapauwi at pagpapaunlad para mapabuti ang kalagayan ng Rakhine State sa lalong madaling panahon. Batay rito, kailangang magsagawa ang Myanmar at Bangladesh ng pagsasanggunian para mahanap ang tumpak na kalutasan.

Ikalawa, upang malutas ang pangkagipitang isyu ng pagpapauwi ng mga mamamayan ng Rakhine na lumikas sa Bangladesh, kailangang magsagawa ng angkop na hakbangin para pauwiin ang unang batch ng mga mamamayan.

Ikatlo, batay sa kahilingan at hangarin ng Myanmar at Bangladesh, nakahanda ang Tsina na patuloy na magkaloob ng tulong para mapabuti ang kalagayan ng pamumuhay ng mga mamamayang lumikas mula sa Rakhine, na gaya ng pangkagipitang suplay at pagtatayo ng mga pasilidad.

Ikaapat: kailangang patingkarin ang bentahe ng isa't isa para mapasulong ang kooperasyon sa lugar-hanggahan sa Myanmar at Bangladesh, at mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino