Opisyal ng Sri Lanka: ang ulat hinggil sa “debt trap ” ay hindi totoong impormasyon

2018-07-05 16:30:28

Kamakailan, iniulat ng ilang media ng Amerika na ang proyekto  ng Tsina sa Hambantota Port ng Sri Lanka ay di umano'y isang  “debt trap” at ang kooperasyon ng Tsina at Sri Lanka ay mayroong “layuning militar”. Nang kapanayamin ng CRI, ipinahayag ni Kassapa Senarath, mataas na opisyal ng Colombo ng Sri Lanka na ang  naturang pagbatikos sa Tsina ng mediang Amerikano ay mayroong layuning pulitikal.   Tinukoy niya na mula sa mga sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan, hindi sinalakay ng Tsina ang Sri Lanka o isinagawa ang pananakop pangmilitar dito. Bagkus, ginawa ito ng ibang mga bansa.  Natamo ng mga mamamayang Tsino ang kahanga-hangang bunga sa kabuhayan ngayon sa pamamagitan ng tunay na  pagsisikap. Inilahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang ideya ng kooperasyon at win-win, dahil inaasahan niya na pasulungin ang magkakasamang pag-unlad ng Tsina at mga ibang bansa. 

Ipinahayag ni Kassapa Senarath na ang imprastruktura ay mahalagang elemento ng pag-unlad ng isang bansa. Kung walang imprastruktura, hindi maaaring pasulungin ang anumang pag-unlad. Bilang mahalagang bansa sa Indian Ocean, dapat samantalahin ng Sri Lanka ang pagkakataon ng pag-unlad na ito at tumpak na gamitin ito. Sa proseso ng konstruksyon ng imprastruktura, hindi mahalaga ang pagpustura, ang mahalagang bahagi ay aktibong paghahanap ng paraan ng pagpapasulong ng kasalukuyang proyektong pangkooperasyon para isakatuparan ang all-win result ng iba't ibang panig.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino