“Pananalakay na pangkabuhayan”, bagong bersyon na “banta ang Tsina” na ginawa ng Amerika

2018-07-06 18:08:32


Ang alitang pangkalakalan ng Tsina at Amerika ay nasa hanggahan na ng trade war. Nitong nakaraang 3 buwan, paulit-ulit na inilunsad ng Amerika ang alitan. At ang ugat nito ay pekeng ideya na ginawa ng Amerika, “pananalakay na pangkabuhayan.”


Sa ulat na ipinalabas kamakailan, sinabi ni Peter Navarro, Puno ng White House National Trade Council, na isinasagawa ang “pananalakay na pangkabuhayan” ng Tsina. Noong Marso, nilagdaan ni Trump ang Presidential Memorandum, at sinabi rin niya na ito ay bilang tugon sa “aksyon ng pananalakay na pangkabuhayan ng Tsina”. Pero, maliwanag na nalaman ng Tsina at iba't ibang bansa na, ang umano'y “pananalakay na pangkabuhayan”, ay isang bagong bersyon na “banta ang Tsina”.



Kung susundin ang pamantayan ng “pananalakay na pangkabuhayan ” na inilahad ng Amerika, sinalakay na ng Amerika ang karamihan ng mga bansa sa daigdig. Para mapangalagaan ang sariling hegemony at kapakanan, pinaputukan ng Amerika sa iba't ibang bansa. Halimbawa, nitong ilang taong nakalipas, inilunsad ng Amerika ang alitan sa mga bansa sa silang ang Africa na kinabibilangan ng Rwanda, Tanzania, Uganda at iba pa, hinggil sa tax rate ng mga inaangkat na second-hand na damit.


Sino ang bansa na nagsasagawa ng pananalakay na pangkabuhayan sa ibang bansa? Maliwanag ang sagot.


Ang kooperasyon ng Tsina at mga ibang bansa ay naglalayon sa all-win result. Sa Ika-3 Porum ng Pamumuhunan sa Aprika, sa harap ng mahigpit na kooperasyon sa pagitan ng Tsina at Aprika, siniabi ni Macky Sall, Pangulo ng Senegal na “Ang era ng Aprika ay ngayon”.


Sa kometesyon ng globalisasyon, lumaki ang Tsina ng kooperasyon at pagbubukas sa labas, buong tatag na napapangalagaan ang sistema ng malayang kalakalan, pero, tinatawag ito ng Amerika bilang “pananalakay na pangkabuhayan”. Ito ang kadahilanan nito para isagawa ang nito ng unilateralismo at proteksyonismo. Nitong mga nakalipas na dekada, hindi naging banta ang pag-unlad ng Tsina sa anumang bansa.


Mula sa pangmalayuang tanaw, hindi magbabago ang hegemonismog White House. Hindi maalwan ang pag-unlad ng Tsina. Pero, tiyak na makiki ng mga tao ang isang katotohanan: nitong 40 taong nakalipas sapul nang isyu ng Tsina ng pagbubukas sa labas at reporma, sa harap ng mga presyur na panlabas, hindi yumuko ang Tsina. Ang isang mabuti at maunlad na Tsina, ay pinakamalaking ambaga para sa buong daigdig. Ang isang maunlad na Tsina ay tiyak na gagawa ng mas maraming ambag para sa buong daigdig.



Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino