Sundalong Tsino, ginawaran ng “Peace Medal of Honor” ng UN

2018-07-16 10:55:46 CRI

Ginawaran Hulyo 15, 2018 ng parangal na “Peace Medal of Honor” ng United Nations (UN) ang peace keeping helicopter group ng Tsina na binubuo ng 140 sundalong Tsino. Ang seremonya ng pagbigay-parangal ay idinaos sa Al-Fashir Camp sa Darfur, Sudan.

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Jeremiah Mamabolo, espesyal na kinatawan ng UN sa African Union-United Nations Mission in Darfur(UNAMID)na magaling ang mga sundalong Tsino sa pagpapasulong ng rekonstruksyong pangkapayapaan at pagbibigay ng makataong tulong sa Darfur, at sila ay nagsisilbing huwaran ng peace keeping troops ng UNAMID.

Nang araw ring iyon, binisita niya ang Al-Fashir Camp, kasama ni Chen Wenlong, Pinuno ng mga sundalong Tsino.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino