Paglagda ng Hapon at EU sa EPA, magkasanib na pagtutol ba sa Amerika?

2018-07-19 15:38:28 CRI

Martes, Hulyo 17, 2018, nilagdaan ng Unyong Europeo (EU) at Hapon ang Economic Partnership Agreement (EPA). Ito ang pinakamalawakang kasunduan sa malayang kalakalan sa kasalukuyan. Tinayang magkakabisa ito sa loob ng kasalukuyang taon. Kung magkakabisa ang kasunduang ito, mangangahulugang mabubuo ang pinakamalawak na sona ng pagbubukas ng kalakalan sa buong daigdig na may 600 milyong populasyon, at 30% ng kabuuang GDP ng daigdig.

Nagkaroon ng ilang round ng talastasan ang Hapon at EU sa EPA, dahil tinalakay ang mga napakasensitibong larangan ng Hapon na gaya ng produktong agrikultura. Hindi agad nagkaisa ng palagay ang kapuwa panig sa mahabang panahon, pero ang pag-aalis ng Britanya sa EU ay nagpalaki ng pangangailangan sa paglagda sa EPA. Ang pagtalikod ng Amerika sa Trans-Pacific Partnership Agreement (TPP) naman ay higit pang nagpatibay sa determinasyon ng Hapon at EU.

Ayon sa mga inilabas na plano ng EPA, dahil pa di-malinaw ang maraming detalye, ang paglagda ng Hapon at EU sa EPA ay nakasalalay, pangunahin na, sa estratehiya. Lubos na dumedepende sa Amerika ang Hapon sa katiwasayang pulitikal at larangang militar. Batay sa madalas na paglagda kamakailan ng Hapon sa mga kasunduan sa kooperasyong pangkabuhayan, napakalinaw ng intensyon nitong humulagpos mula sa pagkadepende sa Amerika. Hinahanap nito ang independiyenteng katayuan, sa mga larangang gaya ng kabuhayan, pulitika at diplomasya.

Pagkaraang lumagda sa EPA, nagpalabas ng magkasanib na pahayag sina Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon at Donald Tusk, Tagapangulo ng European Council. Ayon dito, "Ito ay isang historikal na hakbang. Ang kasunduang ito ay nagpapakita ng intensyong pulitikal ng Hapon at EU sa buong tatag na paggigiit at pagpapasulong sa malayang kalakalan." Sa pananaw ng tagalabas, ang nasabing pahayag ay nakatuon kay Donald Trump. Ang trade hegemonism ng Amerika ay tiyak na magpapawatak-watak ng mga bansang kanluranin.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino