German Chancellor, nakahandang ituloy ang pakikipagkooperasyon sa Amerika

2018-07-21 16:20:52 CRI

Sinabi Biyernes, Hulyo 20, 2018, ni Chancellor Angela Merkel ng Alemanya na nakahanda ang kanyang bansa na sa ilalim ng napakalaking presyur sa Trans-Atlantic Partnership, ipagpatuloy ang pakikipagkooperasyon sa Amerika. Ngunit, inulit niya na hindi puwedeng dumepende ang Europa sa Amerika.

Sa kanyang pagdalo nang araw ring iyon sa taunang preskon sa tag-init, sinabi ni Merkel na dapat hanapin ng Europa ang sariling papel nito sa kaayusang pandaigdig. Ang pinakamahalagang bagay sa ngayon ay pangmalayuan at estruktural na kooperasyon ng Unyong Europeo (EU) sa larangang pandepensa, aniya pa.

Dagdag pa niya, sa kasalukuyan, kinakaharap ng kooperasyon ng Alemanya at Amerika ang napakalaking presyur. Ngunit, ang Trans-Atlantic Partnership at relasyon sa pagitan nila Merkel at US President Donald Trump ay nananatili pa ring mahalaga para sa Alemanya.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino