Gobernador ng ilang estadong Amerikano: dapat pasulungin ang kooperasyon ng Amerika at Tsina sa kabuhayan, kalakalan, at pamumuhunan

2018-07-22 15:24:34 CRI

Sa pulong ng National Governors Association ng Amerika, na ipininid kahapon, Sabado, ika-21 ng Hulyo 2018, ipinahayag ng ilang gobernador, na kinabibilangan nina John Hickenlooper, Gobernador ng Estado ng Colorado; Gary Herbert, Gobernador ng Estado ng Utah; at iba pa, na dapat pahalagahan ang mapagkaibigang relasyon ng Amerika at Tsina sa kabuhayan at kalakalan. Nanawagan sila para palakasin ang pag-uunawaan at pagtitiwalaan ng Amerika at Tsina, at pasulungin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa kabuhayan, kalakalan, at pamumuhunan.

Ipinahayag din ng mga gobernador ang pagdududa sa kasalukuyang mga hakbanging pangkalakalan ng administrasyon ni Donald Trump. Ipinalalagay nilang ang alitang pangkalakalan na sinimulan ng pamahalaan ni Trump sa buong daigdig ay hindi lamang nakakaapekto sa pagluluwas ng mga produkto ng agrikultura at ibang industriyang may bentahe ang Amerika, kundi nagdudulot din ng kawalang-katatagan sa pag-unlad ng maraming bahay-kalakal na Amerikano.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino