Mga mataas na opisyal ng pambansang katiwasayan ng Amerika at Rusya, magtatagpo sa Agosto—White House

2018-07-24 15:33:10 CRI

Ipinahayag Lunes, Hulyo 23, 2018, ni Sarah Sanders, Tagapagsalita ng White House, na magtatagpo sa Agosto si John Bolton, National Security Advisor ng Estados Unidos, at ang opisyal ng pambansang katiwasayan ng Rusya.

Sinabi ni Sanders na sa katatapos na pagtatagpo nina Pangulong Donald Trump ng Amerika at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, sinang-ayunan ng kapuwa panig na isagawa ang diyalogo sa pagitan ng mga grupong namamahala sa mga suliranin ng pambansang katiwasayan ng dalawang bansa. Aniya, bukod sa pakikipagtagpo sa opisyal na Ruso, tatalakayin ni Bolton, kasama ng mga opisyal ng mga kaalyadong bansang Europeo, ang mga kaukulang isyu.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino