BRICS, ipagtatanggol ang sistema ng multilateral na kalakalan

2018-07-26 15:05:50

Johannesburg - Idinaos Miyerkules, Hulyo 25, 2018, ang tatlong (3) araw na Ika-10 Pagtatagpo ng mga Lider ng BRICS (Brazil, Russia, India, China, at South Africa). Ayon sa pag-analisa ng Reuters nang araw ring iyon, tinukoy nito na noong isang taon, lumampas sa 17 trilyong dolyares ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng limang bansang BRICS. Ito ay mas malaki kung ihahambing sa Unyong Europeo (EU). Dahil sa posibleng magaganap na global trade war na dulot ng tariff action na inilunsad ni US President Donald Trump, tinatayang magtutulungan ang mga lider ng BRICS upang magkakasamang ipagtanggol ang multilateralismo. Kaya, ang maligalig na situwasyong pangkalakalan sa daigdig ay posibleng makakapagpasigla sa organisasyong ito.

Sa harap ng pagkakataon at hamon na dulot ng digital economy, ika-4 na rebolusyong industriyal, at sa kasagsagan ng paglulunsad ng Amerika ng alitang pangkalakalan, ang magkakasamang pagtatanggol sa multilateralismo ay ang buong pagkakaisang pagpiling nagawa ng mga bansang BRICS.

Ipinag-diinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat buong tatag na itayo ng mga bansang BRICS ang bukas na kabuhayang pandaigdig, at dapat ding matinding tutulan ang unilateralismo at proteksyonismo. Layon nitong magkakasamang pasulungin ang pag-unlad ng globalisasyong pangkabuhayan sa mas bukas, win-win situation, inklusibo, at balanseng direksyon.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino