Muling pagtatagpo ng mga pangulo ng Amerika at Rusya, ipagpapaliban sa susunod na taon

2018-07-26 15:44:43 CRI

Sinabi Miyerkules, Hulyo 25, 2018, ni John Bolton, National Security Advisor ng Estados Unidos, na ipagpapaliban sa susunod na taon ang muling pagtatagpo ng mga pangulo ng Amerika at Rusya na nakatakdang idaos sa kasalukuyang taglagas.

Ayon sa pahayag ni Bolton na inilabas nang araw ring iyon, ipinalalagay ni Pangulong Donald Trump na ang susunod na pagtatagpo nila ni Pangulong Vladimir Putin ay dapat idaos pagkatapos ng Russia probe ng Estados Unidos. Anang pahayag, sinang-ayunan na ng mga kaukulang panig na idaraos ang susunod na pagtatagpo sa taong 2019.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino