Xi at Putin, nagpalitan ng kuru-kuro hinggil sa kalagayang pandaigdig

2018-07-27 12:51:33 CRI

Johannesburg, Timog Aprika—Sa sidelines ng Ika-10 BRICS Summit, nagtagpo Huwebes, Hulyo 26 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya. Nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa kasalukuyang situwasyong pandaigdig at mga isyu kapuwa nila pinahahalagahan.

Magkasamang naghapunan din ang dalawang pangulo.

Idinaraos mula nitong Miyerkules hanggang ngayong araw ang Ika-10 BRICS Summit na may temang "BRICS sa Aprika: Kolaborasyon para sa Inklusibong Pag-unlad at Ipinagbabahaging Kasaganaan sa Ikaapat na Rebolusyong Industriyal."

Salin: Jade
Pulido: Mac


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino