143 mamamayang Hapones, isinakdal ang paglabag sa konstitusyon ng bagong Security Bills

2018-08-03 12:59:14 CRI

Kaugnay ng pinaghihinalaang paglabag sa konstitusyon ng bagong Security Bills ng Hapon, iniharap ng 143 mamamayang Hapones ang kolektibong sakdal sa Hukumang Lokal ng Nagoya.

Ayon sa nasabing sakdal, pinahihintulutan ng bagong Security Bills ang paggamit ng collective self-defense, bagay na nagpataas ng panganib sa pagsuong ng Hapon sa digmaan at teroristikong pagsalakay, nakapinsala sa karapatan ng mga plaintiff sa mapayapang pamumuhay, at nagdulot ng kapinsalaang pandiwa na gaya ng pag-aalala at takot sa mga plaintiff. Humihingi ang bawat isang plaintiff ng 100,000 Japanese Yen na kompensasyon ng pamahalaan.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino