US President Donald Trump: di puwedeng magkaroon ng ugnayang komersyal sa Amerika ang mga nagkakaroon ng ugnayang komersyal sa Iran

2018-08-08 10:57:01

Sinabi Martes, Agosto 7, 2018, ni US President Donald Trump na ang sinumang magkaroon ng ugnayang komersyal sa Iran ay hindi puwedeng magkaroon ng ugnayang komersyal sa Amerika.

Ipinahayag din niya na pormal na sinimulan muli ang pagpapataw ng sangsyon laban sa Iran. Itinuturing itong pinakamahigpit na sangsyong isinagawa ng Amerika laban sa Iran hanggang sa kasalukuyan. Sa darating na Nobyembre, mas magiging matindi ang mga sangsyon.

Sinabi naman nitong Lunes, Agosto 6, ni Pangulong Hassan Rouhani ng Iran na palagiang kinakatigan ng kanyang bansa ang paglutas sa isyu sa diplomatikong paraan. Aniya, kung talagang nais makipagtalastasan ang Amerika sa Iran, dapat nito ipakita ang katapatan.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino