Pagdaragdag ng taripa sa mga panindang Tsino, tinututulan sa loob ng Amerika

2018-08-08 17:10:54 CRI

Ipinatalastas kahapon, Martes, ika-7 ng Agosto 2017, ng Office of the United States Trade Representative, na mula ika-23 ng buwang ito, papatawan ng 25% karagdagang taripa ang halos 16 na bilyong Dolyares na panindang aangkatin mula sa Tsina. Ito ay tinututulan ng iba't ibang sektor ng Amerika.

Sinabi ni Myron Brilliant, Pangalawang Pangulo ng U.S. Chamber of Commerce na namamahala sa mga suliraning pandaigdig, na batay sa pangmalayuang pananaw, may negatibong epekto ang hakbangin ng pagpapataw ng taripa sa kabuhayang Amerikano. Ipinalalagay niyang, dapat bumalik ang Amerika at Tsina sa talastasan, para lutasin ang alitang pangkalakalan.

Sinabi naman ni John Neuffer, Puno ng Semiconductor Industry Association ng Amerika, na ang pagdaragdag ng taripa sa mga produkto ng semiconductor ng Tsina ay makakapinsala sa interes ng mga chip maker ng Amerika.

Sinabi naman ni Matthew Shay, CEO ng National Retail Federation ng Amerika, na ang pagdaragdag ng taripa ay magdudulot ng panganib sa mga mamimili at manggagawang Amerikano, at dapat itigil ng pamahalaan ni Donald Trump ang hakbanging ito.

Ipinahayag naman ng Consumer Technology Association ng Amerika, na ang pagbabanta ng Amerika sa Tsina sa aspekto ng taripa ay pipilit sa bansang ito na angkatin ang mga paninda mula sa ibang bansa, at ito ay di-paborable sa mga bahay-kalakal na Amerika.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino