Timog Korea: Pagtatagpo ng Timog at Hilagang Korea, idaraos sa susunod na linggo sa Panmunjom

2018-08-10 11:24:21 CRI

Ipinatalastas noong ika-9 ng Agosto, 2018 ng Ministri ng Unipikasyon ng Timog Korea na idaraos ang pagsasanggunian sa mataas na antas ng Timog at Hilagang Korea sa Panmunjom sa bahagi ng Hilangang Korea, sa Agosto 13, 2018, para talakayin ang pagpapatupad ng "Panmunjom Declaration."

Ayon sa ulat, manunungkulan si Cho Myoung-gyon, Ministro ng Unipikasyon ng Timog Korea bilang Punong Kinatawan na lalahok sa nasabing pagsasanggunian. Bukod sa pagpapasulong ng pagsasakatuparan ng deklarasyon, tatalakayin din nila ang hinggil sa pagdaos ng pagtatagpo ng mga lider ng Timog at Hilagang Korea.

salin:Lele

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino