70 libong mamamayan sa Okinawa-ken, nagrali bilang protesta sa baseng Amerikano

2018-08-12 14:54:17

Naha City - Idinaos Sabado, Agosto 11, 2018, ng 70 libong mamamayan ng Okinawa-ken, Hapon ang malawakang demonstrasyon bilang protesta sa paglilipat ng baseng Amerikano sa Futenma Base patungo sa purok ng Henoko. Hinihiling nila sa tropang Amerikano na itakwil ang pagtatatag ng bagong base sa purok ng Henoko, at agarang sarhan ang Futenma Air Station.

Bukod dito, magkasabay na nagrali nang araw ring iyon ang mga mamamayan sa Hokkaido, Osaka, Nagoya, at iba pang lugar, upang iprotesta ang pagpapasulong ng pamahalaang Hapones ng reclamation construction sa Henoko.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino