Unang pagpunta sa araw, sinimulan

2018-08-13 12:59:30 CRI

 Credit: NASA/Johns Hopkins APL/Ed Whitman

Inilunsad Agosto 12, 2018, ang Parker Solar Probe ng Amerika, pinakamabilis na spacecraft ng mundo sa kasaysayan, papuntang araw. Ang magiging landmark na paglalakbay ang kauna-unahang pagbista ng spacecraft ng tao sa araw.

Ayon sa National Aeronautics and Space Administration (NASA) ng Amerika, magpupunta ang Parker Solar Probe sa layong 6.1 milyong kilometer mula sa mukha ng araw. Ito ang pinakamalapit na paglalakbay sa araw sa kasaysayan ng sangkatauhan.

Anito, kung maalwang maisasagawa ang misyon, ipapadala ng probe ang mga datos sa Disyembre ng taong ito.

 Credit: NASA/Johns Hopkins APL/Ed Whitman

salin:Lele

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino