Hakbangaing pantaripa ng Amerika, makakapinsala sa pakinabang ng mga bahay-kalakal ng bansa--survey result

2018-08-18 16:24:47 CRI

Isinagawa kamakailan ng Federal Reserve Bank of New York ang pagsasarbey sa mga bahay-kalakal ng sektor ng manupaktura sa New York State at mga bahay-kalakal ng sektor ng serbisyo sa New York City at New Jersey State, kaugnay ng mga epektong dulot ng pagpapataw ng pamahalaang Amerikano ng karagdagang taripa sa mga inaangkat na produkto.

Ayon sa resulta ng pagsasarbey na inilabas Agosto 16, ng bangkong ito, ipinalalagay ng karamihan sa mga bahay-kalakal, na ang naturang hakbangin ng pamahalaan ay hahantong sa pagtaas ng gugol sa produksyon ng mga bahay-kalakal at pagbaba ng pagbebenta nila sa ibayong dagat. Ang dalawang elementong ito anila ay magdudulot ng negatibong epekto sa pangkalahatang pakinabang ng mga bahay-kalakal na Amerikano.

Samantala, ipinalalagay ng halos kalahati ng mga kinapanayam na bahay-kalakal, na ang naturang negatibong epekto ay hindi lamang makikita sa loob ng taong ito, kundi tatagal din sa susunod na taon.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino