Pamahalaan ng Afghanistan, isasagawa ang tatlong buwang tigil-putukan sa Taliban

2018-08-20 14:48:56

Ayon sa media ng Afghanistan nitong Linggo, Agosto 19, 2018, ipinatalastas ni Pangulong Ashraf Ghani Ahmadzai ng Afghanistan na may pasubaling isasagawa ng kanyang pamahalaan ang tatlong buwang tigil-putukan sa Taliban.

Makaraan itong kumpirmahin ng Taliban, magkakabisa ngayong araw, Agosto 20, ang tigil-putukan. Ngunit hanggang sa kasalukuyan, wala pang reaksyon mula sa Taliban.

Kasabay nito, idinaos nang araw ring iyon ng iba't-ibang sirkulo ng Afghanistan ang aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-99 na anibersaryo ng pagsasarili ng bansa.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino