Public hearing ng USTR kaugnay ng pagpapataw ng karagdagang taripa sa mga panindang Tsino, sinimulan

2018-08-21 13:24:11 CRI

Sinimulang idaos kahapon, Lunes, ika-20 ng Agosto 2018, sa Washington D.C., ng Office of the United States Trade Representative (USTR) ang public hearing kaugnay ng hakbangin ng pagpapataw ng karagdagang taripa sa 200 bilyong Dolyares na panindang Tsino, para pakinggan ang palagay at mungkahi ng mahigit 350 bahay-kalakal at samahang industriyal hinggil sa mga konkretong kategorya ng mga panindang papatawan ng taripa, at kung itataas sa 25% ang nakatakdang 10% ng taripa.

Ayon sa inilabas na ilang nakasulat na testimonya, ipinalalagay ng mga bahay-kalakal at samahang industriyal, na ang pagdaragdag ng taripa sa ganoong kalaking halaga ng panindang Tsino ay hahantong sa pagtaas ng pang-araw-araw na gastusin ng mga mamimiling Amerikano. Kasabay nito, ipinalalagay nilang, dahil mahirap na makikita ang mga kapalit sa mga panindang Tsino, lubos na nakakasama ang naturang hakbangin sa mga bahay-kalakal na Amerikano, lalung-lalo na sa mga katamtamang-laki at maliit na bahay-kalakal na umaasa sa global supply chain.

Ayon pa rin sa testimonya ng U.S. Chamber of Commerce, ang mga negatibong epekto ng naturang hakbangin ay sasaklaw sa mga mamimili, bahay-kalakal, at makro-ekonomiya ng Amerika. Nanawagan ito para isagawa ng mga pamahalaan ng Amerika at Tsina ang seryosong talastasan hinggil sa isyung pangkalakalan.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino