Kagawaran ng Tesorarya ng Amerika, ipinatalastas ang sangsyon laban sa mga indibiduwal at entidad na konektado sa Rusya

2018-08-22 12:53:05 CRI

Sa katwiran ng pag-iwas o paglabag sa ban ng sangsyon sa Rusya, ipinatalastas Martes, Agosto 21, 2018 ng Kagawaran ng Tesorarya ng Estados Unidos ang pagpapataw ng sangsyon sa 2 entidad at 2 indibiduwal na may kaugnayan sa Rusya.

Ang naturang mga entidad at indibiduwal ay binatikos ng kagawarang ito na iniwasan ang ban sa sangsyon ng Amerika, at ipinagkaloob ang tulong sa isang entidad na Ruso na pinatawan ng sangsyon ng Amerika.

Nang araw ring iyon, 2 iba pang entidad at 6 na bapor na konektado sa Rusya ang pinatawan din ng sangsyon ng Amerika, dahil pinaghihinalaang naglipat ito ng refined oil product, kasama ng mga bapor na may pambansang watawat ng Hilagang Korea.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino