American media, pinag-ukulan ng pansin ang pagdinig ng Sec 301 investigation

2018-08-22 15:55:17

Sa kasalukuyan, idinaraos ng Office of the United States Trade Representative (USTR) ang 6 na workday na hayagang pagdinig tungkol sa plano sa pagpapataw ng taripa sa mga panindang aangkatin mula sa Tsina na nagkakahalaga ng 200 bilyong dolyares, bagay na nakatawag ng pansin ng iba't ibang panig. Sinabi ng mga ulat ng American media na ikinababalisa ng mga bahay-kalakal ng Amerika ang nasabing isyu, at nanawagang bawasan ang taripa.

Ayon sa resulta ng isang poll ng National Association of Business Economics (NABE) ng Amerika, ipinalalagay ng 91% ng mga respondent na ang umiiral na taripa at ipapataw na taripa sa hinaharap ay magbubunsod ng “di-paborableng epekto” sa kabuhayang Amerikano.

Ayon naman sa ulat ng New York Times, humiling ang mga kompanyang Amerikano sa pamahalaan na huwag magpataw ng taripa sa mas maraming produkto na aangkatin mula sa Tsina.

Sa pagdinig Martes, Agosto 21, ipinahayag ng Fitbit, bahay-kalakal ng pananaliksik at pagpoprodyus ng smart watch ng Amerika, na ang pagpapataw ng taripa sa mga aangkating produkto mula sa Tsina ay makakapinsala sa kakayahan ng inobasyon ng kompanyang ito sa teritoryo ng Amerika, at magpapababa ng kakayahang kompetetibo ng mga produkto nila.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino