Mga think tank ng Tsina at Amerika, magkasamang hinanap ang solusyon sa alitang pangkabuhaya't pangkalakalan

2018-09-01 16:19:06 CRI

Noong Agosto 29 at Agosto 30, 2018, idinaos sa New York at Washington ang mga diyalogong pangkalakalan ng mga think tank ng Tsina at Estados Unidos.

Malalimang tinalakay ng mga kalahok na dalubhasa at opisyal ang hinggil sa alitang pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at Amerika, para hanapin ang tamang solusyon. Ito ang kauna-unahang malawakang diyalogo ng mga think tank ng dalawang bansa sa paksang pangkalakalan, sapul nang sunud-sunod na isagawa ng Amerika ang mga unilateral na hakbanging humantong sa walang humpay na paglala ng alitang pangkabuhaya't pangkalakalan nila ng Tsina noong unang dako ng taong ito.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino