Kooperasyong Sino-Europeo, napakahalaga para sa pag-alis ng kahirapan ng EU

2018-09-05 17:13:27

Sa kasalukuyang tunggalian ng nagkakaibang kaisipan at puwersa sa buong daigdig, kinakaharap ng Europa ang malalaking problema. Bilang isa sa mga pinuno ng Unyong Europeo (EU), madalas na kumikilos si Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya sa arenang diplomatiko. Lalong lalo na, sa kanyang talumpati sa pulong ng mga diplomatang Pranses sa ibang bansa na ginanap noong katapusan ng nagdaang Agosto, itinaguyod ni Macron ang multilateralismo na nagpapakitang kasalukuyang nagpupunyagi ang Pransya upang pamunuan ang EU sa pag-aalis ng kasalukuyang kahirapan.

Ipinahayag niya na sa kasalukuyang nahaharap ang pandaigdigang multilateralismo at pag-unlad ng EU sa “walang-katulad na krisis.” Buong lakas aniyang nagsasagawa ang pamahalaan ni Donald Trump ng unilateralismo.   Bukod dito, sa mga isyung gaya ng kasunduang nuklear ng Iran, at pagbabago ng klima, nahahadlangan din ng Amerika ang mga mahalagang bunga at plano ng Europa sa mga pandaigdigang aktibidad. Higit sa lahat, ibinaba ni Trump ang halaga ng integrasyon ng Europa, at hindi niya binibigyan ng anumang atensyon ang pagkabahala ng Europa. Dahil dito, sinabi ng mga lider ng Europa na hindi matatawag na “estratehikong partner” ang Europa para sa Amerika.

Sa nasabing pulong, komprehensibong binatikos ni Macron ang kilos ng unilateralismo ni Trump. Ngunit ipinaliwanag din niya ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kanyang diyalogo kay Trump.

Sa aspekto ng pagsasaayos sa buong daigdig, ipinalalagay niya na ang “Belt and Road” Initiative ng Tsina ay may bentaheng nakakapagtatag sa ilang rehiyon at pandaigdigang pananaw. Sa prinsipyong “Paghahanap ng Pagkabalanse, Pangangalaga sa Sariling Kapakanan at Konseptong Pandagdig,” isasagawa aniya ng Pransya ang “konstruktibo at may-kompiyansa” na diyalogo sa Tsina.

Upang mapawi ang kasalukuyang mahirap na kalagayan, ang pagpapasulong ng multilateralismo ay nagsisilbing pangunahing bahagi sa mga aksyong diplomatiko ng Pransya at Europa. Kasalukuyang pinalalakas ng Tsina at Europa ang pagpapalitan at pagtutulungan sa pangangalaga sa pandaigdigang sistemang multilateral at makatwirang regulasyon upang makapagbigay ng positibong ambag sa pagpapasulong ng mabuting pag-unlad ng relasyong pandaigdig. Para rito, dapat palakasin ng Tsina at Europa ang kanilang pagtitiwalaan at pag-uunawaan, at dapat din nilang isagawa ang mas maraming magkatugmang aksyon.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino