Isyu ng Korean Peninsula, tatalakayin ng Amerika, Tsina, Hapon at T. Korea

2018-09-07 15:51:46 CRI

Nakatakdang dumalaw sa Timog Korea (ROK), Tsina at Hapon ang bagong espesyal na sugong Amerikano sa patakaran sa Hilagang Korea na si Stephen Biegun, mula ika-10 hanggang ika-15 ng buwang ito, para magtalakayan hinggil sa isyu ng Korean Peninsula.

Ayon sa pahayag na inilabas Huwebes, Setyembre 6 (local time), ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, makikipag-usap si Biegun sa mga may kinalamang opisyal ng nasabing tatlong bansa para maisakatuparan ang pinal at lubos na mapapatunayang denulearisasyon ng Korean Peninsula, sa pamamagitan ng pagsisikap na diplomatiko.

Isang araw nauna rito, sa kanyang pakikipagtagpo sa delegasyong pinamumunuan ng espesyal na sugo ng pangulo ng Timog Korea, inulit ni Kim Jong-un, Kataas-taasang Lider ng Hilagang Korea (DPRK) ang buong tatag na kahandaan ng denuklearisasyon ng peninsula. Narating din ng dalawang panig ang kasunduan hinggil sa iskedyul at agenda ng pagtatagpo nina Kim at Pangulong Moon Jae-in na nakatakdang idaos sa buwang ito.

Ipinahayag naman ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang paghanga sa nasabing atityud ni Kim at kahandaang isakatuparan ang denuklearisasyon ng Korean Peninsula, kasama ng Hilagang Korea.

Salin: Jade
Pulido: Mac


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino