Amerika, dapat magsagawa ng hakbangin para mapalakas ang pagtitiwalaan — NoKor

2018-09-30 15:35:53

Sa kanyang talumpati sa pangkalahatang debatehan ng Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN), ipinahayag Sabado, Setyembre 29, 2018, ni Ri Yong Ho, Ministrong Panlabas ng Hilagang Korea, na dapat isagawa ng Amerika ang mga hakbangin para mapalakas ang pagtitiwalaan ng dalawang panig. Kung hindi, ipagpapaliban ng panig Hilagang Koreano ang denuklearisasyon.

Sinabi niya na matatag ang pangako ng Hilagang Korea sa denuklearisasyon. Ngunit, ito ay maisasakatuparan lamang kung mapagkakatiwalaan ng Hilagang Korea ang Amerika, aniya pa. Ang susi sa pagpapatibay ng kapayapaan at kaligtasan sa Korean Peninsula ay ganap na pagsasakatuparan ng magkasanib na pahayag na nilagdaan ng mga lider ng dalawang bansa sa kanilang pagtatagpo sa Singapore noong nagdaang Hunyo.

Kasalukuyang pinaplano ng Hilagang Korea at Amerika ang ikalawang pagtatagpo ng kanilang mga lider. Ayon sa Kagawaran ng Estado ng Amerika kamakailan, bibiyahe si Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, sa Hilagang Korea sa darating na Oktubre para mapasulong ang pagsasakatuparan ng nasabing komong palagay.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino