Amerika, nagpaliban ng diyalogong panseguridad sa Tsina: tagapagsalitang Tsino

2018-10-04 10:02:22 CRI

Inulit ng Tsina na ang Estados Unidos ang nagmungkahing ipagpaliban ang pagdaraos ng Ika-2 Round ng Diyalogong Diplomatiko at Panseguridad sa pagitan ng dalawang bansa.

Winika ito ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon nitong Miyerkules, Oktubre 3, bilang tugon sa inulat na pananalita ng isang opisyal na Amerikano na nagsasabing ang Tsina ang nagpaliban ng nasabing diyalogo.

Ipinahayag ni Hua ang lubos na pagkadiskontento ng Tsina sa nasabing baluktot at di-responsableng pananalita ng opisyal Amerikano at mga may kinalamang ulat ng media ng Amerika.

Isang araw nauna rito, inilahad ni Hua na sinang-ayunan sa prinsipyo ng Tsina't Amerika na magdaraos ng diyalogo sa kalagitnaan ng Oktubre ngayong taon, pero, iminungkahi kamakailan ng panig Amerikano sa Tsina na ipagpaliban ang nabanggit na diyalogo.

Salin: Jade

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino