Tatlong siyentista, ginawaran ng 2018 Nobel Prize in Chemistry

2018-10-04 16:29:40 CRI

Ipinatalastas nitong Miyerkules, Oktubre 3 (local time), ng Royal Swedish Academy of Sciences na tatlong siyentista na sina Frances H. Arnold, George P. Smith, at Sir Gregory P. Winter ang ginawaran ng 2018 Nobel Prize in Chemistry, sa kanilang pagdebelop ng mga protina na kinakailangan ng mga tao.

Si Arnold ay nanguna sa pagsasagawa ng directed evolution ng mga enzyme na siyang mga protina na nag-ka-catalyze ng mga chemical reaction. Ang mga enzyme na ginawa sa pamamagitan ng directed evolution ay ginagamit para magprodyus ng lahat ng bagay na gaya ng biofuel at gamot.

Nagdebelop si Smith ng phage display, kung saan ang bacteriophage ay maaaring gamitin para i-evolve ang mga bagong protina.

Ginamit naman ni Winter ang phage display sa paggawa ng mga bagong gamot.

Salin: Jade

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino