Ulat ng South Center: Section 301 ng Amerika, labag sa mga tuntunin ng WTO

2018-10-06 17:25:35 CRI

Inilabas kamakailan ng South Center, isang organisasyong pandaigdig ng mga umuunlad na bansa, na nakabase sa Geneva, Switzerland, ang ulat ng pananaliksik ng Section 301 ng Trade Act ng Amerika. Anang ulat, ang seksyong ito ay labag sa mga tuntunin ng World Trade Organization (WTO), salungat sa multilateralismo, at negatibo sa kabuhayang pandaigdig.

Ayon kay Carlos Maria Correa, Managing Director ng South Center, ipinakikita ng naturang ulat, na ang pagsasagawa ng Amerika ng Section 301 Investigation ay sumusunod sa mga pamantayan ng bansang ito, sa halip na ng WTO, at ang mga hakbangin ng panig Amerikano batay dito, ay nagbabanta sa multilateral na sistemang pangkalakalan.

Tinukoy din ng ulat, na ang tunay na motibo ng Amerika sa likod ng Section 301 ay walang kinalaman sa kalakalan, at ito ay paghahadlang ng Amerika sa pag-unlad ng industriya at teknolohiya ng ibang bansa.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino