Trump: makikipagtagpo kay Kim pagkaraan ng mid-term election

2018-10-10 17:09:44 CRI

Sinabi kahapon, Martes, ika-9 ng Oktubre 2018, ni Pangulong Donald Trump ng Amerika, na ang kanyang ikalawang pagtatagpo kasama ni Kataas-taasang Lider Kim Jong Un ng Hilagang Korea ay gaganapin pagkaraan ng mid-term election na idaraos sa ika-6 ng darating na Nobyembre. Dahil aniya, bago ang panahong iyon, abalang-abala siya sa mga usaping panghalalan.

Nauna rito, sinabi minsan ni Trump na pinagpipilian ng Amerika at H.Korea ang 3 hanggang 4 na lugar na pagdarausan ng naturang pagtatagpo, at maliit ang posibilidad na idaos muli ang pagtatagpo sa Singapore.

Bukod dito, ipinahayag naman ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, na may tunay na progreso ang kanyang katatapos na pagdalaw sa H.Korea, at nakikita na ang landas para isakatuparan ang ganap na denuklearisasyon ng H.Korea.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino