Malalakas na lindol, naganap sa ilang lugar sa kanlurang Pasipiko

2018-10-11 16:02:38 CRI

Naganap ngayong araw, Huwebes, ika-11 ng Oktubre 2018, ang malalakas na lindol sa ilang lugar sa kanlurang Pasipiko.

Ayon sa pagkakasunod, ang unang lindol ay naganap sa karagatang malapit sa lalawigang East Java ng Indonesya, at ang lakas nito ay 6.3 magnitude. Ayon sa panig opisyal ng Indonesya, nasawi na sa lindol ang 3 katao.

Pagkatapos nito, naganap malapit sa Papua New Guinea ang 7.0 magnitude na lindol, at wala pang naiulat na kasuwalti.

Naganap naman ang 6.7 magnitude na lindol sa karagatang malapit sa dakong hilaga ng Kuril Islands ng Rusya, at wala pa ring naiulat na kasuwalti.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino