Komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina't Kyrgyzstan, isusulong

2018-10-14 17:22:33 CRI

Sa sidelines ng Ika-17 Pulong ng Konseho ng mga Puno ng Pamahalaan (Punong Ministro) ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) na ginanap nitong Biyernes sa Dushanbe, Tajikistan, nakipagtagpo si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Mukhammedkaliy Abylgaziyev, Punong Ministro ng Kyrgyzstan.

Sina Premyer Li (kanan) at Punong Ministro Abylgaziyev (kaliwa)

Kapuwa ipinahayag ng dalawang premyer ang pagpapahalaga sa pagkakatatatag ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina't Kyrgyzstan nitong nagdaang Hunyo. Nakahahanda silang ibayo pang pasusulungin ang nasabing partnership sa bagong antas. Napagkasunduan ng dalawang punong minisitro na magkasamang pasulungin ang Belt and Road Initiative (BRI), at palawakin ang kooperasyon sa kalakalan, pamumuhunan, agrikultura, turismo, at paglaban sa terorismo, ekstrimismo at separatismo.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino