Pandaigdigang kalakalan, pinag-usapan ng Tsina't Mexico

2018-10-14 19:30:03 CRI

Nag-usap sa telepono hinggil sa pandaigdigang kalakalan sina Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Luis Videgaray ng Mexico, nitong Sabado ng gabi, Oktubre 13, 2018.

Sina Wang (kaliwa) at Videgary (kanan) (photo credit: China Plus/VCG)

Sa pag-uusap, ipinaalam ni Videgaray kay Wang ang hinggil sa kalalagdang United States-Mexico-Canada Agreement (USMCA). Aniya, bilang nagsasarili't soberanong bansa, ang nasabing kasunduang pangkalakalan ay hindi makakaapekto sa pagpapalitan ng Tsina't Mexico sa anumang aspekto, at hindi rin ito mauuwi sa restriksyon sa bilateral na kalakalan, pamumuhunan at ugnayang pulitikal ng dalawang bansa. Ipinagdiinan ni Videgaray na ang Tsina ay kapani-paniwalang partner ng Mexico, at nakahanda ang Mexico na ibayo pang paunlarin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.

Sinabi naman ni Wang na bilang komprehensibong estratehikong partner, palagiang ipinakikita ng Tsina't Mexico ang pag-uunawaan, pagtitiwalaan at pagkakatigan sa isa't isa sa mga mahalagang isyu. Bilang bagong-usbong na ekonomiya, kailangang magkasamang protektahan ng Tsina't Mexico ang multilateralismo at sistema ng malayang kalakalan, diin ni Wang. Idinagdag pa niyang ang anumang bilateral o multilateral na kasunduan ng malayang pangkalakalan ay hindi dapat nakatuon sa ikatlong panig. Hindi rin ito dapat gamitin para limitahan ang lehitimong karapatan at interes ng ibang miyembro o ipataw ang eksklusyonismo.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino