Kasama ng internasyonal na komunidad, Tsina, magsisikap para pasulungin ang pagkabalanse ng kalakalan at globalisasyon ng mundo

2018-10-15 10:40:49 CRI

Sa kanyang panayam sa Euractiv, media platform ng Unyong Europeo (EU), ipinahayag ni Zhang Ming, Embahador ng Tsina sa EU na ang pagdaraos ng China International Import Expo (CIIE) ay nagsisilbing hakbang ng Tsina sa ibayong pagbubukas ng bansa sa pamilihang pandaigdig.

Sinabi ni Zhang na sa harap ng hamong dulot ng proteksyonismong pangkalakalan, ang nasabing ekspo ay hindi lamang makakatulong sa pagpapasulong ng pagkabalanse ng kalakalan ng Tsina, pagpapabuti ng estruktura ng pagsuplay, at pagpapataas ng kalidad ng pambansang kabuhayan, kundi maging sa pagpapatibay ng ekspektasyon ng pamilihang pandaigdig. Aniya, ito ay nagpapakita ng kompiyansa at determinasyon ng Tsina sa patuloy na paggiit ng pagbubukas sa labas.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino