Pag-uusap ng H.Korea at T.Korea sa mataas na antas, tinalakay ang pagdugtong ng mga daambakal at lansangan

2018-10-16 17:41:23

Idinaos Lunes, Oktubre 15, 2018 sa Panmunjom ang pag-uusap sa mataas na antas nina Cho Myoung-Gyon, Ministro ng Unipikasyon ng Timog Korea, at Ri Son-gwon, Tagapangulo ng Committee for the Peaceful Reunification of Korea. Tinalakay ng kapuwa panig ang pagpapatupad ng mga konkretong hakbangin ng “Pyongyang Joint Declaration of September” na isinapubliko ng mga lider ng dalawang bansa.

Sina  Cho Myoung-Gyon (kanan), Ministro ng Unipikasyon ng Timog Korea, at Ri Son-gwon (kaliwa), Tagapangulo ng Committee for the Peaceful Reunification of Korea

Sina Cho Myoung-Gyon (kanan), Ministro ng Unipikasyon ng Timog Korea, at Ri Son-gwon (kaliwa), Tagapangulo ng Committee for the Peaceful Reunification of Korea

Binabalak ng kapuwa panig na idaraos ang seremonya ng pagsisimula ng pagdugtong ng mga daambakal at lansangan ng dalawang bansa at proyekto ng modernisasyon, sa katapusan ng Nobyembre o unang dako ng Disyembre. Idaraos din ang pag-uusap sa palakasan, para talakayin ang hinggil sa magkasamang pagbibid sa 2032 Summer Olympic Games.

Pag-uusap ng H.Korea at T.Korea sa mataas na antas, tinalakay ang pagdugtong ng mga daambakal at lansangan

Ipinasiya rin ng kapuwa panig na isasagawa ang pagsasanggunian tungkol sa mga suliraning may kinalaman sa pagdalaw ng grupong pansining ng Hilagang Korea sa Timog Korea, at kooperasyon nila sa industriya ng panggugubat at larangang pangkalusugan at medikal.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino