Pagbatikos ng Amerika sa isyu ng karapatang pantao sa Cuba, tinutulan sa UN

2018-10-18 11:45:30 CRI

Sa isang panel discussion na idinaos Oktubre 16, 2018 sa New York, Punong Himpilan ng United Nations (UN), tinutulan ng mga umuunlad na bansa ang pagbatikos ng Amerika sa isyu ng karapatang pantao sa Cuba.

Ipinahayag ni Anayansi Rodriguez Camejo, Pirmihang Kinatawan ng Cuba sa UN na walang karapatan ang Amerika na magsalita ng kung anu-ano hinggil sa karapatang pantao sa ibang bansa.

Iminungkahi din ni Sacha Sergio Llorenti Soliz, Pirmihang Kinatawan ng Bolivia sa UN ang pagdaraos ng espesyal na pulong ng UN para talakayin ang mga isyung may-kinalamang sa Guantanamo Prison ng hukbong Amerikano at pang-aabuso sa mga bihag sa Iraq.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino