Trump: Amerika, uurong sa INF Treaty

2018-10-21 16:21:43 CRI

Pagkaraan ng isang aktibidad kahapon, Sabado, ika-20 ng Oktubre 2018, sa Elko, Nevada, sinabi sa mga mamamahayag ni Pangulong Donald Trump ng Amerika, na uurong ang kanyang bansa sa Treaty on the Elimination of Intermediate-Range and Shorter-Range Missiles o INF (Intermediate-Range Nuclear Forces) Treaty.

Sinabi rin ni Trump, na sa mula't mula pa'y lumalabag ang Rusya sa kasunduang ito, at dahil dito, napilitang idebelop ng Amerika ang mga sandatang ipinagbabawal ng kasunduan.

Kaugnay ng pahayag ni Trump, sinabi ngayong araw ni Franz Klintsevich, Unang Pangalawang Puno ng Komite sa Depensa at Seguridad ng Mataas na Kapulungan ng Rusya, na binabatikos ng Amerika ang Rusya sa paglabag sa INF Treaty, pero wala itong katibayan. Dagdag niya, ang pag-urong ng Amerika sa naturang kasunduan ay magsisilbing hamon sa Rusya at buong daigdig, at magdudulot din ng bagong arms race sa daigdig.

Sinabi naman ng Ministring Panlabas ng Rusya, na sa katotohanan, ang dahilan ng Amerika sa pag-urong sa INF Treaty ay pareho sa dahilan ng pag-urong nito sa iba pang mga kasunduang pandaigdig. Ito ay dahil batay sa mga kasunduang ito, walang bentahe ang Amerika sa ibang bansa, at wala itong espesyal na prebilihiyo.

Ang INF Treaty ay nilagdaan noong 1987 ng Amerika at dating Soviet Union. Ipinagbabawal nito ang pagdedebelop, pagdedeploy, at pagsusubok ng dalawang bansa sa mga ground-launched ballistic o cruise missiles na may range sa pagitan ng 300 at 3,400 miles.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino