Pagpapalitan at pagtutulungang pandepensa ng Tsina't Hapon, nagkaroon ng progreso: tagapagsalitang Tsino

2018-10-26 12:21:25 CRI

Kasalukuyang isinasagawa ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon ang kanyang opisyal na dalaw-pang-estado sa Tsina. Kaugnay nito, sinabi ni Wu Qian, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang-bansa ng Tsina na nitong ilang taong nakalipas, nagkaroon ng progreso ang dalawang bansa sa pagpapalitan at pagtutulungang pandepensa. Ilan sa mga halimbawa rito ay ang pagdalaw sa Hapon ng National Defence University ng People's Liberation Army (NDU-PLA) ng Tsina, at pagdadalawan ng mga kabataang opisyal militar ng dalawang bansa, saad ni Wu.

Umaasa aniya ang Tsina, kasama ng panig Hapones, na ibayo pang mapapalawak ang pagpapalitan at pagtutulungang pandepensa para maayos na hawakan ang mga pagkakaiba at makapag-ambag para sa kapayapaan ng relasyon ng dalawang bansa at rehiyon.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino