T.Korea at DPRK, sang-ayong alisin ang 11 guard post sa Demilitarized Zone

2018-10-27 16:11:48 CRI

Sinang-ayunan Biyernes, Oktubre 26, 2018, ng Timog Korea at Hilagang Korea na sa susunod na buwan, aalisin ng isa't isa ang 11 guard post sa Demilitarized Zone sa paligid ng hanggahan.

Ang kapasiyahang ito ay ginawa sa isang diyalogong militar sa antas ng heneral, na idinaos Biyernes sa Tongilgak, isang gusali ng Hilagang Korea sa Panmunjom.

Ayon sa magkasanib na pahayag pagkatapos ng diyalogo, bago ang katapusan ng Nobyembre, ganap na aalisin ng kapuwa panig ang naturang mga guard post. Bukod dito, tatalakayin nila ang hinggil sa ibayo pang pag-uurong ng lahat ng mga natitirang guard post sa Demolitarized Zone.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino