Relasyon ng Tsina't Ehipto, isusulong

2018-10-28 19:42:08 CRI

Sa kanyang opisyal na pagdalaw sa Ehipto, nagkaisa sina Pangalawang Pangulong Wang Qishan ng Tsina at Pangulong Abdel-Fattah al-Sisi at Punong Ministro Mostafa Madbouly ng nasabing bansa, na ibayo pang pasulungin ang relasyon ng dalawang panig.

Sina Wang (kaliwa) at al-Sisi (kanan)

Dumalaw si Wang sa Ehipto mula nitong Huwebes hanggang Sabado. Nangako ang dalawang panig na bilang dalawang bansang kapuwa may mahabang sibilisasyon, patuloy na magkasamang pasusulungin ang Belt and Road Initiative (BRI), iuugnay ang mga pambansang estratehiyang pang-kaunlaran at palalakasin ang mga pragmatikong pagtutulungan sa kabuhayan, kalakalan, production capacity, turismo at pagpapalitan ng mga tao.

Lumagda rin ang dalawang bansa sa mga kasunduan hinggil sa agrikultura, edukasyon, at kultura.

Salin: Jade

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino