Mga lider ng Israel, kinondena ang pamamaril sa simbahang Hudyo sa Pittsburgh

2018-10-28 19:38:51 CRI

Magkasunod na ipinahayag nitong Sabado ng gabi nina Pangulong Reuven Rivlin at Punong Ministro Benjamin Netanyahu ng Israel ang kondemnasyon sa pamamaril sa isang simbahang Hudyo sa Pittsburgh, Estado ng Pennsylvania, Estados Unidos.

Ipinahayag din nila ang pakikidalamhati sa mga namatay sa nasabing trahedya. Umaasa anila silang gumaling sa lalong madaling panahon ang mga sugatan.

Hiniling din ng dalawang lider na Israeli sa mga may kinalamang departamento ng Amerika na ganap na imbestigahan ang nasabing pamamaril at parusahan ang may kagagawan.

Aabot sa 11 katao ang namatay, anim na iba pa ang nasugatan sa naturang pamamaril nitong Sabado ng umaga, local time.

Sa preskon nang araw ring iyon, sinabi ni Wendell Hissrich, Direktor ng Seguridad na Pampubliko ng Pittsburgh, na nahuli na ang suspek na si Robert Bowers, isang residenteng lokal. Walang rekord na kriminal ang 46 edad na suspek. Pero, mababasa raw sa mga social media post niya ang mga pananalitang kontra-Hudyo.

Ayon sa mga taga-usig na Pederal, sinampahan ang suspek ng 29 na sakdal nitong Sabado ng gabi, local time.

Salin:Jade

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino