Porum na Panghinaharap ng Tsina at Australia, binuksan

2018-10-29 13:12:47 CRI

Idinaos sa Sidney, Australia Oktubre 28, 2018 ang “Porum na Panghinaharap ng Tsina at Australia.”

Ipinahayag dating Punong Ministro Kevin Rudd ng Australia na sa harap ng alitang pangkalakalan na inilunsad ng Amerika, inaasahang palalakasin ng Tsina at Australia ang pagtitiwalaang pampulitika at sasamantalahin ang pagkakataong pangkasaysayan, para pasulungin ang relasyong Sino-Australian. 

Tinukoy niyang apektado ng alitang pangkalakalan hindi lamang ang Tsina at Amerika, kundi pati na rin ang mga ibang bansa. Aniya, may mahalagang katuturan ang kabuhayan ng Tsina sa kabuhayan ng daigdig, at 40% ng paglaki ng kabuhyang pandaigdig ay batay sa paglaki ng kabuhayan ng Tsina.

Ipinalalagay niyang ang Amerika ay kaalyadong bansa ng Australia, at ang Tsina naman ay pinakamalaking trade partner ng bansa. Aniya, ang pinakamahalagang bagay ay dapat isaalang-alang ang komong interes ng mga may-kinalamang panig at kani-kanilang pagkabahala. Umaasa aniya siyang maitatatag ng mga may-kinalamang panig ang pagtitiwalaan at isasagawa ang pagtutulungan, batay sa komong interes. Pinahahalagahan ni Rudd ang tagumpay na natamo ng Tsina sa 40 taong reporma at pagbubukas sa labas. Aniya, bumubuti ang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino mula pag-unlad ng Tsina, at nagbibigay rin ito ng ambag sa kaunlarang pangkabuhayan ng daigdig. Aniya, nilagdaan ang memorandum of understanding hinggil sa pagtutulungan ng “Belt and Road” sa pagitan ng pamahalaan ng Victoria State ng Australia at Tsina. Nananalig aniya siyang gaganap ng mas positibong papel ang naturang pagtutulungan.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino