Pagtataguyod ng Tsina ng CIIE, mabisang hakbangin sa pagpapalawak ng pagbubukas—mga Amerikanong iskolar

2018-10-31 11:19:07 CRI

Mula ika-5 hanggang ika-10 ng Nobyembre, 2018, idaraos sa Shanghai ang unang China International Import Expo (CIIE). Ipinalalagay ng ilang iskolar ng Estados Unidos na lubos itong nagpapakita ng ibayo pang pagpapalawak ng Tsina ng pagbubukas, at pagsasabalikat ng responsibilidad ng isang malaking bansa.

Si Joseph Nye, dating Dean ng Harvard Kennedy School

Ipinahayag ni Joseph Nye, dating Dean ng Harvard Kennedy School, na bilang mahalagang bintana ng kalakalang panlabas ng Tsina, magdidispley ang Shanghai ng tagumpay ng pag-unlad ng kabuhayan ng bansa, sa pamamagitan ng pagtataguyod ng CIIE.

Si Robert Kuhn, Dalubhasa ng Amerika sa isyu ng Tsina

Tinukoy naman ni Robert Kuhn, Dalubhasa ng Amerika sa isyu ng Tsina, na ang CIIE ay nagpadala ng positibong signal ng kusang-loob na pagpapalawak ng Tsina ng pag-aangkat. Aniya, sa pamamagitan ng pagdaraos ng CIIE, ang Tsina ay hindi lamang nagdidispley ng positibong pakikitungo sa pagbubukas ng pamilihan sa daigdig, kundi nagpapasulong din sa malusog na pag-unlad ng pagkabalanse ng kalakalang pandaigdig.

Si William H. Overhol, Propesor ng Harvard Kennedy School

Sa tingin naman ni William H. Overhol, Propesor ng Harvard Kennedy School, ang CIIE ay makakapaglatag ng bagong plataporma para sa ibayo pang pagpapalakas ng pagpapalitang pangkabuhaya't pangkalakalan ng iba't ibang bansa. Sa pangmatagalang pananaw, napakahalaga ng katuturan nito, dagdag pa niya.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino