Mga kasapi ng WTO, humiling na buuin ang grupo ng mga dalubhasa para suriin ang pagpapataw ng Amerika ng taripa sa asero at aluminum

2018-10-31 12:21:53

Sa pulong ng organo ng pagresolba sa alitan ng World Trade Organization (WTO) Lunes, Oktubre 29, 2018, binigyang-diin ng 7 kasapi ng WTO na kinabibilangan ng Tsina, Unyong Europeo (EU), Canada, Mexico, Norway, Rusya, at Turkey na ang pagpapataw ng taripa ng Amerika sa asero at aluminum ay para maigarantiya ang kapakanang pangkabuhayan ng iilang industriya sa loob ng bansa, sa halip na alang-alang sa pambansang seguridad. Humiling silang buuin ang grupo ng mga dalubhasa para suriin kung lumalabag o hindi ang nasabing hakbangin sa kaukulang tadhana ng WTO.

Noong ika-8 ng nagdaang Marso, ipinatalastas ni Pangulong Donald Trump ng Amerika na dahil ang pag-aangkat ng mga produktong asero't bakal at aluminum ay nakakapinsala sa pambansang seguridad ng Amerika, ipapataw ng kanyang bansa ang 25% at 10% taripa sa mga inangkat na produktong asero at bakal, at produktong aluminum. Pormal na nagkabisa ang hakbangin ng taripa ng pamahalaan ni Trump na nakatuon sa nasabing mga produkto ng karamihan ng mga ekonomy noong Marso 23. Nagkabisa naman ang ganitong hakbangin ng panig Amerikano na nakatuon sa EU, Canada at Mexico noong Hunyo 1.

Nang araw ring iyon, tinutulan ng panig Amerikano ang unang aplikasyon ng nabanggit na mga panig tungkol sa pagbuo ng grupo ng mga dalubhasa. Tinayang muling isusumite ng naturang 7 kasapi ang ganitong aplikasyon sa susunod na pulong ng organo ng pagresolba sa alitan na idaraos sa Enero 1, 2019.

Salion: Vera


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino