Tsina, hindi tanging nagpapautang sa Kenya: Pangulo ng Kenya sa CNN

2018-11-01 12:36:46 CRI

Sa kanyang panayam kay Richard Quest ng CNN, pinabulaanan ni Pangulong Uhuru Kenyatta ng Kenya ang di-umano'y "Chinese debt trap." Sinabi niyang ang Tsina ay hindi ang tanging tapagpagpahiram sa Kenya, at humihiram din ang bansa sa Estados Unidos, Hapon, Pransya, World Bank, African Development Bank at iba pa.

Malusog ang kayarian ng pag-utang ng bansa mula sa mga multilateral na tagapagpautang para maisakatuparan ang pambansang agenda na panlipunan at pangkabuhayan, diin ni Kenyatta.

Winika ito ng pangulo ng Kenya bilang tugon sa tanong ni Quest kung nababahala ba siya sa mataas na ratio ng pautang, pangunahin na mula sa Tsina. Dagdag pa ni Kenyatta, walang pagkakaiba sa pagitan ng Tsina at ibang mga tagapagpahiram, kung ang "debt" ang pag-uusapan.

Ginawa ang nasabing panayam noong Oktubre 26 sa Kenya bago pasinayaan ang pagsasaoperasyon ng direktang flight ng Kenya Airlines sa Amerika. Inere ito ng CNN noong Oktubre 29.

Salin: Jade
Pulido: Rhio
Photo credit: CGTN

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino